-- Advertisements --

Nagkampeon ang Baguio City para sa ikaapat na sunod na overall title laban sa mahigpit na laban sa Cebu at Pasig City sa huling araw ng 14th Batang Pinoy 2023 National Championships na idinaos sa Metro Manila.

Nag-uwi ng 15 gintong medalya ang Summer Capital ng bansa sa archery, taekwondo at judo nitong huling bahagi ng event para makakuha ng 32 gold, 25 silver at 40 bronze.

Nasa ikalawang puwesto naman ang Pasig City (25-27-33) at ang dumausdos na dating kampeon na City of Cebu (20-15-21) sa ikatlo.

Apat na gintong medalya ang idinagdag ng 14-anyos na estudyante ng Baguio City National High School at nasa ikalawa niya
na si Chass Mhaiven Nawew Colas sa mga tagumpay sa male 15-under 30-meter, 40-m, 60m recurve, 1440-round recurve at isang silver sa 50m.

May ambag ang Poomsae ng pitong ginto mula kina Kate Julliane Cortez sa individual cadet female, Caleb Angelo Calde sa Indiv cadet male, Acey Kiana Oglayon sa indiv junior female, at Jaidev Nicolas Montalbo, Marcus Jared Maquiray at Ryan Cliftin Nabejet sa team male cadet.

Wagi rin sina Angel Lyn Yvainne Dacanay at Caleb Angelo Calde sa mixed pair cadet, Aesha Kiaa Oglayon at Jonas Sales sa mixed pair junior, at Angelyn Yvainne Dacanay, Kate Julliane Cortez, Trisha Lobbonan sa poomsae team female cadet.

Sa kabuuan, kinapital ng Baguio sa kampeonato ang combat sports, kung saan popular ang kanilang mga manlalaro sa loob at labas ng ating bansa.