BAGUIO CITY – Makikibahagi ang Baguio City sa inaabangang Global Climate Action na magbibigay atensyon sa epekto ng climate change.

Isasagawa ang March for Environment mula Burnham Park hanggang Session Road na dadaan sa Magsaysay Avenue at People’s Park sa Setyembre 20.

Makikibahagi dito ang iba’t-ibang civic groups, non-governmental sector at government organizations.

Sa Setyembre 21 ay gaganapin naman ang “Run for Environment” sa Athletic Bowl na susundan ng chalk drawing activities sa Session Road sa Setyembre 22.

Idaraos din ang Global Climate Action culminating activity sa Setyembre 27 sa pamamagitan ng Climate March mula Melvin Jones hanggang sa Baguio City Hall.