CEBU CITY – Isang bagong biktima sa mga abusadong pulis sa lungsod ng Cebu ang nagpatulong sa Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) – Visayas Field Unit.
Ayon kay alyas “Karen” na isang grupo ng mga pulis ang pinilit na pumasok sa ilang pamamahay noong Biyernes ng madaling araw, Marso 25, 2021
Dagdag pa nito na may hinahanap na tao ang mga pulis saan hindi kilala ng biktima at ng asawa nito.
Matapos, mahalughog ng mga pulis ang kanilang gamit, humingi nga pahintulot ang mga pulis na dadalhin si misis sa estasyon para imbestigahan.
Dinala sa Sawang Calero Police Station o Police Station 6 si Karen kung saan ipinasok ito sa isang kwarto sa likod ng estasyon. Dito ito na itinorture ng mga pulis ang biktima sa pamamagitan ng pagbalot ng plastic sa kanyang ulo habang sinasakal ito.
Ipinalabas sa estasyon si Karen noong lunes, Marso 29, 2021 kung saan binalaan pa ito na huwag magsusumbong kung hindi ay may manyayari masama sa kanyang pamilya.
Ayun pa PMaj. Alejandro Batobalonos, IMEG- Visayas Field Unit Chief na positibong kinilala ng biktima ang mga pulis na kasali sa mga unang 11 ka mga pulis na-relieved sa serbisyo kahapon dahil rin sa ibang kaso ng pag-abuso at rape kahapon sa kaparehong Police Staion.
Dagdag pa nito na patong-patong na kasong kriminal ug administratibo ang kakaharapin nga mga nasabing pulis kagaya nalang ng Robbery, Grave Coercion, Grave Threat, at iba pa.