Dalawa hanggang tatlong pangalan na lamang ang nasa shortlist ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr para pagpilian bilang bagong press secretary.
Sinabi ng Pangulo na malapit nang mapunuan ang puwesto at sa susunod na linggo ay iaanunsyo na nila ito.
Tumanggi naman ang presidente na tukuyin ang mga pinamimilian niya, dahil magiging unfair aniya sa mga nasa shortlist kung hindi naman sila ang mapipili.
Ilan sa kwalipikasyong ikinokonsidera ng pangulo na maging bagong cabinet official ay yung kaibigan ng media, malawak ang karanasan sa pamamahayag, posible aniyang journalist o media pratitioner at marunong sa messaging.
Ito aniya ay para maipaabot sa kaalaman ng publiko ang gustong maiparating na impormasyon ng gobyerno.
Matatandaan na nitong Lunes ay nagsumite ng kaniyang resignation letter kay Pangulong Marcos si dating Press Secretary Trixie Cruz Angeles dahil sa aniya’y medical na rason.