-- Advertisements --


Pinayuhan ni Energy Regulatory Commission chairperson Agnes Devenadera ang pamahalaan na ituon ang atensyon sa pag-develop ng mga bagong sources ng energy para makatulong sa pagbawas sa singil sa nakokonsumong kuryente ng publiko.

Mababatid na sa harap anng tuloy-tuloy na pagsirit ng presyo ng langis, inanunsyo ng Meralco noong Huwebes na itataas nila ang household electricity rates ngayong Marso ng P0.0625 per kiloWatt-hour, dahilan para umakyat ang overall rate sa P9.6467/kWh mula sa P9.5842/kWh noong Pebrero.

Binanggit din ni Devenadera sa isang panayam ang tungkol sa posibleng paggamit ng bansa ng nuclear power.

Aniya mayroon na rin namang mas ligtas na nuclear energy ngayon dahil sa mga development sa teknolohiya sa mga nakilas na taon.

Subalit, sa kabila nito, iginiit ni Devenadera na dapat matiyak muna ang mga safety measures bago pa man gumamit na ng nuclear power.

Kamakailan lang, inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order No. 164 para maisama ang nuclear power sa energy source mix ng bansa.