-- Advertisements --

Pumalo sa 14,249 COVID-19 cases ang naitala ngayong araw sa monitoring ng Department of Health (DoH).

Nakapagtala rin ng 11,714 na bagong gumaling at 233 naman ang panibagong mga nasawi.

Sinabi ng DoH na sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.7% (98,847) ang aktibong kaso; 92.5% (1,598,314) na ang gumaling at 1.74% (30,070) ang namatay.

Ayon pa sa ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong August 12, 2021, habang mayroong apat na laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base rito, sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 4 laboratoryong ito ay humigit-kumulang 3.4% sa lahat ng samples na nasuri at 2.8% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Sa patuloy na pagtaas ng mga kaso, pinaaalaalahanan po natin ang lahat na patuloy na sumunod sa minimum public health standards.

Kapag naman nakaranas ng mga sintomas ay agad na mag-isolate at makipag-ugnayan sa barangay health emergency response teams.