Olaf Scholz
-- Advertisements --

Pormal nang nanumpa bilang bagong chancellor ng Germany si Olaf Scholz.

Papalitan nito si Angela Merkels matapos ang apat na termino nitong Disyembre 8.

Si Scholz ay lider ng Social Democratic Party (SPD) na siyang nagwagi sa secret vote sa parliyamento noong Setyembre.

Pinangunahan ni German President Frank-Walter Steinmeier ang panunumpa ni Scholz sa parliament.

Ang 63-anyos na si Scholz ay life-long member ng SPD na nagsilbing Labor and Social Affairs minister noong taong 2000.

-- Advertisement --

Nahalal siyang alkalde ng Hamburg noong 2011 hanggang 2018.