-- Advertisements --
Inalerto ng Pagasa ang mga residente ng Northern Luzon, lalo na ang mga nasa high risk areas kaugnay sa posibleng bagong bagyo na mabuo.
Ayon kay Pagasa forecaster Shiela Reyes, bibigyan ng local name na “Helen” ang naturang sama ng panahon kapag umabot na sa 45 kph ang taglay nitong hangin.
Sa kasalukuyan nananatili pa rin ito sa low pressure area (LPA) level.
Huli itong namataan sa layong 135 km sa silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.
Samantala, hanging habagat naman ang nakakaapekto sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao.