Faustino2

Pormal na nanungkulan ngayong araw bilang ika-63rd Commanding General ng Philippine Army si dating Eastern Mindanao Command Commander (EASTMINCOM) Lt. Gen. Jose Faustino Jr.

-- Advertisement --


Pinalitan ni Lt. Gen. Faustino si Lt. Gen. Cirilito Sobejana, na una nang umangat bilang Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines.


Ang Change of Command Ceremony ay pinangunahan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kaninang tanghali.

Sa kanyang mensahe, pinuri ni Lorenzana si Lt. Gen. Sobejana sa kanyang mahusay na pamumuno sa Phil. Army sa gitna ng banta ng Covid 19 pandemic.

faustino4

Tinukoy naman ni Lorenzana si Lt. Gen. Faustino bilang kasing “dedicated” at “deserving” ng kanyang pinalitan.

Si Faustino ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) “Maringal Class of 1988.”

Sa kabilang dako, una ng inihayag ni AFP Chief of Staff Lt .Gen. Cirilito Sobejana na mataas ang tiwala nito kay Lt Gen. Jose Faustino na kayang pamunuan ang Philippine Army.