Nagbabala si Foreign Affairs Sec. Teddyboy Locsin Jr. sa China na “expect the worst” kapag nagkaroon ng “spill over” sa Pilipinas ang ginagawa nitong military exercises kung saan nagpakawala ito ng ballistic missiles sa South China Sea.
Ginawa ni Sec. Locsin ang pahayag kahit pa umano ginanap ang naval drill sa labas ng teritoryo ng Pilipinas.
Magugunitang nagpakawala ng apat na missle test ang Chinese military sa Paracels sa araw kung kailan inianunsyo ng Estados Unidos na ipinatutupad nito ang mga sanction laban sa mga Chinese firms na sangkot sa malawakang konstruksyon ng artificial islands para sa kanilang military facilities sa mga pinagtatalunang teritoryo.
Ang Pilipinas ay mayroong Mutual Defense Treaty sa US na nag-oobliga sa Amerika na idepensa ang ating bansa kung may inatake ng ibang bansa.
Inihayag ni Sec. Locsin na isa ito sa mga international practice kung saan kapag pumasok ka sa isang tratado, obligado kang ipatupad dahil kung hindi, mawawalan ka ng mukha bilang kinikilalang nasyon.
“I immediately consulted the map and it was clear the naval exercises did not take place in the coordinates of our Philippine territory. However, I warned, and this kind of irritated Beijing, should these exercises spill over to my territory then they must expect the worst,” ani Sec. Locsin.