-- Advertisements --
Indanan Sulu
Indanan, Sulu

Patay ang isang babaeng hinihinalang bomber ng sumabog ang dala nitong bomba sa isang military checkpoint sa Indanan, Sulu.

Ayon kay Major Arvin Encinas, tagapagsalita ng Western Mindanao Command, nagsasagawa ng checkpoint ang 35th Infantry Batalion ng lumapit ang babae at matapos ang ilang segundo ay sumabog ang bomba.

Walang anumang nasaktan sa nasabing insidente.

Inaalam pang mabuti ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng sumabog na babae.