CEBU CITY – Nasamsam ng PNP ang higit P12 million na halaga ng iligal na droga mula sa isang high value target ng rehiyon sa isinagawang buy bust operation sa Sitio Galili, Brgy. Duljo Fatima, sa lungsod ng Cebu.

Nasa drug watchlist ang subject na si Ariane Ann Reyes, alyas Yan, 27, at residente ng Brgy. Guadalupe ng nasabing lungsod.

Ayon sa hepe ng Mambaling police station na si Captain Renz Talosig na dumulog sa kanilang tanggapan ang isang hindi nagpakilalang informant tungkol sa diumanoy malakihang drug trade kaya kaagad namang isinagawa ang naturang operasyon.

Nasabat ang halos dalawang kilo ng shabu na may Dangerous Drugs Board value na P12.2 million.

Sa kulungan naman ang bagsak ng naturang drug suspect at nahaharap ito sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.