CAUAYAN CITY- Isang 38 anyos na babae na galing sa Pasay City ang kauna unahang naitalang nagpositibo sa COVID 19 sa Aurora, Isabela.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Mayor Joseph Christian Uy ng Aurora na bago umuwi sa kanilang tahanan ang babae ay nagpasailalim muna sa kanilang quarantine facility noong June 2, 2020.
Uuwi na sana noong June 16, 2020 matapos ang 14 day quarantine ngunit kailangang sumailalim siya sa mandatory rapid test bago umuwi sa kanilang tahanan .
Nang isailalim sa unang rapid test ay nagpositibo.
Gumamit anya sila ng ibang brand ng rapid test at isinailalim sa pangalawang test ngunit muling nagpositibo.
Dahil dito ay isinailalim na sa swab test noong at kumpirmadong positibo sa COVID 19.
Si Cagayan Valley case 46 ay dinala na sa Southern Isabela Medical Center (SIMC) para sa magamot.
Dahil dito lalong maghihigpit ang pamahalaang lokal sa kanilang mga checkpoint papasok sa Aurora, Isabela na galing sa ibang mga lalawigan pangunahin na ang galing sa Metro Manila.
Sa kabila anya na mahigpit ang checkpoint sa Cordon, Isabela ay mayroon pa ring nakakalusot na locallt stranded individual na umuuwi sa mga bayan sa Isabela.
Ganito ang bahagi ng pahayag ni Punong Bayan Joseph Christian Uy.