NAGA CITY- Halos hindi na makilala ang isang babae matapos matagpuan ang bangkay nito na nakahubad at sunog na ang ulo sa Sitio Rawis, Barangay Patitinan, Sagnay, Camarines Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Marjun San Felipe, Municipal Administrator ng nasabing bayan, sinabi nito na nakatanggap sila ng impormasyon na mayroong bangkay ng babaeng nakuha sa nasabing lugar.

Nang magresponde, naabutan umano nila ang bangkay ng babae na tinatayang nasa 30 hanggang 40 anyos an edad na wala ng damit at sunog na ang ulo.

Sa lugar ng pinangyarihan, nakuha naman ng kapulisan ang isang basyo ng bala ng hindi pa malamang klase ng baril.

Ayon kay San Felipe, nagpapatuloy pa ang kanilang imbestigasyon dahil sa pinaniniwalaang pinagsamantalahan muna ito bago pinatay at sinunog pa ang ulo.

Napag-alaman na hindi ito ang unang pagkakataon na may nangyaring ganitong krimen sa nasabing lugar.