-- Advertisements --

Tinalo ng Philippine Azkals ang Afghanistan 2-1 sa isang friendly game na ginanap sa Rizal Memorial Stadium.

Unang nakapagtala ng goal ang Afghanistan at makailang minuto ay naitabla ni Jens Rasmussen ng Azkals sa 1-1.

Pagpasok naman ng second half ng laro ay naipasok ni Christian Rontini ang goal na siyang nagdala ng panalo sa laro.

Ang nasabing panalo ay bilang paghahanda ng Azkal sa World Cup/ Asian Cup Qualifiers.

Magugunitang nitong Biyernes ay nagtapos sa 1-1 draw ang laban nila sa Chinese Taipei na ang laro ay ginanap sa Kaohsiung.

Mayroon pang nakatakdang dalawang friendly games sa susunod na buwan para sa huling international window bago ang qualifiers.