-- Advertisements --

Nabigo ang Philippine Azkals U-23 sa host country na Singapore 0-1 sa 2022 Asian Football Confederation (AFC) Under-23 Asian Cup Qualifiers.

Kapwa walang puntos ang dalawang koponan sa pagtatapos ng first half.

Pagpasok naman ng second half ay pumasok ang goal ni Glenn Kweh ng Singapore sa 51 minute ng laro.

Wala pang panalo ang Azkals dahil noong Lunes ay nabigo ang mga ito sa South Korea 0-3.

Susunod na makakaharap ng Azkals ang Timor Leste sa araw ng Linggo.

-- Advertisement --

Nanguna ang South Korea sa Group H na mayroong dalawang panalo at wala pang talo na sinundan ng Singapore na mayroong isang panalo at isang talo.