Reading Time: 1 minute
Azkals Syria 1
Azkal vs Syria/ Bombo Bacolod image

Nabigo ang Philippine Azkals sa Syria, 5-2, sa Round 2 ng qualifiers ng 2022 World Cup at 2023 Asian Cup na ginanap sa Panaad Park and Stadium sa Bacolod City.

Unang nakapagtala ng goal ang Azkals sa pamamagitan ni Javier Patiño sa unang pitong minuto ng laro.

Hindi naman nagpadaig ang Syria na agad na nagpasok ng apat na magkakasunod na goal.

Nakagawa ng 2 goals si Omar Al Soma habang mayroong tig-iisang goal sina Faris Al Khatib, Khaled Almbayed at Mahmoud Almawas.

Pangalawang nakapagtala ng goal ang Azkals sa pamamagitan ni Mike Ott.

Nasa Group A ng second round qualifications ang Azkals at kahanay ang China, Maldives, Guam at Syria.

Ang next game ng national team ay susunod na Martes kontra sa Guam.