-- Advertisements --

Nilampaso ng Philippine national football team ang Brunei 5-1 sa nagpapatuloy na AFF Mitsubishi Electric Cup na ginanap sa Rizal Memorial Stadium sa Maynila.

Ang kanilang panalo ay tila pagbawi nila sa pagkatalo sa opening game ng talunin sila ng host country na Cambodia 3-2.

Unang nakapagtala ng goal si Kenshiro Daniels na sa loob pitong minuto na sinundan ni Sandro Reyes sa pagpasok ng 12 minuto bago ang halftime.

Sa pagpasok naman ng second half ay naipasok ni Jhan Jhan Melliza ang kaniyang goal sa 50 minuto at matapos ang dalawang minuto ay naipasok ni Jens Rasmussen ang goal na nagpako sa 4-0 na kalamangan ng Azkals.

Tanging si Razimi Ramili ang nakapagtala ng goal sa Brunei sa 68th minutes hanggang tinapos ni Rasmussen ang laban at maselyuhan ang 5-1 na panalo kontra Brunei.

Ito ang unang panalo ng Azkals sa bagong coach nila na si Josep Ferre.

Nasa Group A ang Azkals kasama ang Brunei, Cambodia, Thailand at Indonesia.

Susunod na laban ng Azkals ay dadayo sila sa Thailand sa Disyembre 26.