Sinimulan na ng Philippine Azkals ang pagpapatibay ng kanilang koponan para sa 2022 World Cup sa Qatar.

Sinabi ni Azkals manager Dan Palami na magsisimula sa Marso 18 ang kanilang training camp sa Bangkok, Thailand para sa 2022 World Cup sa Qatar.

Dagdag pa nito na mayroong 42 players sa listahan at karamihan sa mga dito ay mga baguhan.

Magiging isang oportunidad ito para sa mga baguhan para sa senior team.

Ang nasabing hakbang ay matapos ang tatlong pagkakatalo ng Azkals sa unang AFC Asian Cup noong Enero sa United Arab Emirates.