CENTRAL MINDANAO- Hindi matutumbasan ang ngiti ng mga Kabakeño kahit pa ito’y natakpan ng face mask sa bayan ng Kabacan Cotabato.

Kasunod ito ng ayudang bigas mula sa probinsya ng Cotabato sa pangunguna ni Governor Nancy Catamco.

Kasama ang PSWD, tumanggap ng tig sampong kilong bigas bawat pamilya sa Kabacan.

Sa ngayon, abot na sa labing apat na mga barangay na kinabibilangan ng Brgy. Pisan, Bannawag, Salapungan, Dagupan, Malanduague, Bangilan, Aringay, Osias, Cuyapon, Malamote, Katidtuan, Lower at Upper Paatan, at Kilagasan ang tumanggap ng ayudang bigas.

Isasagawa naman ngayong araw ang pamamahagi sa Brgy. Kayaga at Brgy. Magatos.

Nagpasalamat naman si Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr sa lalawigan at sa tulong ng mga Brgy. Officials at mga LGU Employees sa pamamahagi ng ayuda.