Iniulat ng Department of Health (DOH) na nasa average na 40 kaso ng mga nasasawi sa COVID-19 ang naitatala bawat araw sa unang linggo ng buwan ng Setyembre.
Sa inisyal na datos ngayong buwan ng DOH, mula Sept. 1 hanggang 5, nakapagtala ang bansa ng kabuuang 199 fatalities dahil sa coronavirus sa gitna ng panibagong pagsirit ng infection bunsod ng mas nakakahawang delta varaint.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire mahigpit na mino-monitor ngayon ang mga rehiyong nakapagtala ng pinakamataas na kabuuang bilang ng COVID-19 death case sa unang linggo ng Setyembre ang Central Luzon (56), Metro Manila (26), Calabarzon (24), at Central Visayas (22).
Ayon kay Vergeire, naitala ang pagtaas ng death cases mula noong huling linggo ng buwan ng Hulyo at panibagong peak ng COVID-19 cases sa nakalipas na linggo.
Inaasahan aniya na tataas ang bilang ng mga namamatay sa virus kasabay ng kinakaharap ng bansa na pagtaas ng infections at hospitalizations.