Umatras na ang baseball team ng Australia sa pagsali sa Olympic qualifiers na gaganapin sa Mexico.

Sinabi ni Baseball Australia chief executive Glenn Williams na minabuit nilang umatras dahil sa banta pa rin ng COVID-19.

Dagdag pa nito na may mga ilang options at scenario na silang pinag-aralan subalit ayaw nilang ilagay sa panganib ang kalusugan ng kanilang mga manlalaro.

Gaganapin sana sa Taiwan ang nasabing mga laro sa huling linggo ng Hunyo subalit ito ay inilipat sa Mexico dahil sa ipinapatupad ng gobyerno ng Taiwan na paglimita sa mga bisita mula sa ibang bansa.