-- Advertisements --

Nakatakdang magpupulong umano ang Anti-Terrorism Council (ATC) matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Anti-Terrorism Act of 2020.

Sinabi ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr, ngayong araw o bukas sila makakakuha ng kopya ng pirmadong bagong batas.

Ayon kay Sec. Esperon, nagkausap na sila ni ATC chairman at Executive Sec. Salvador Medialdea para mag-convene sa lalong madaling panahon.

Kabilang umano sa kanilang tatalakayin ang pagbuo ng implementing rules and regulations (IRR) ng bagong batas at isusumite sa Kongreso.

Muli namang tiniyak ni Sec. Esperon na walang dapat ikabahala sa Anti-Terrorism Act dahil mga terorista ang target at hindi mga militante o nagpo-protesta.