Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Tropical Storm “Jangmi” bandang alas-12:30 ng madaling araw, Mayo 29, at tatawaging “Domeng,” ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Batay sa pinakahuling bulletin ng PAGASA , huling namataan ang bagyo sa layong 1,200 kilometro silangan ng Southern Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometro kada oras at pagbugsong umaabot sa 90 kilometro kada oras. Kumikilos ito pa-hilaga sa bilis na 20 kilometro kada oras.
Inaasahang lalakas pa ito at maaaring maging typhoon category pagsapit ng Sabado, Mayo 30.
Base sa forecast, posibleng lumabas ng PAR ang bagyo sa Lunes, Hunyo 1.
Patuloy na mino-monitor ng PAGASA ang galaw ng bagyo habang hinihikayat ang publiko na manatiling alerto sa mga susunod na abiso.















