Patuloy na namamayagpag ang National Capital Region (NCR) sa Palarong Pambansa 2026 matapos manguna sa partial at unofficial medal tally hanggang 7:00 PM, Mayo 28, 2026.
Batay sa tala, nangunguna ang NCR na may 32 gold, 21 silver, at 28 bronze medals para sa kabuuang 81 medalya.
Pumapangalawa ang Region IV-A (CALABARZON) na may 25 gold, 20 silver, at 15 bronze medals o kabuuang 60 medalya.
Sumunod ang Region VI (Western Visayas) na may 14 gold, 14 silver, at 12 bronze medals na may kabuuang 40 medalya.
Nasa ika-apat na puwesto ang Region VII (Central Visayas) na may 13 gold, 14 silver, at 16 bronze medals (43 total), habang nasa ikalima ang Region III (Central Luzon) na may 10 gold, 7 silver, at 8 bronze medals (25 total).
Samantala, kabilang din sa mga nangungunang rehiyon ang Negros Island Region (NIR) na may 27 medalya, Region V (Bicol Region) na may 26 medalya, at Region X (Northern Mindanao) na may 30 medalya.
Sa Mindanao, nakapagtala ng malalaking panalo ang Region XIII (Caraga) na may 25 medalya, at Region XI (Davao Region) na may 23 medalya. Ang Region VIII (Eastern Visayas) ay may 22 medalya, habang ang Region I (Ilocos Region) ay may 20 medalya.
Nasa mababang puwesto naman ang BARMM (Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao) na may 1 silver medal, at ang Association of Philippine Schools Overseas (APSO) na wala pang naitalang medalya.
















