SlipKnot
SlipKnot

Kinansela na ng heavy metal band na Slipknot ang kanilang Asian tour dahil pa rin sa banta ng coronavirus o COVID 19.

Isinagawa ng banda ang anunsiyo sa kanilang Twitter account, tiniyak ng banda na kanilang itutuloy ang concert kapag wala ng banta ang COVID-19.

slipknot

Pinapahalagahan nila ang kalusugan ng lahat kaya nagdesisyon sila na kanselahin ang concert.

Nakatakda sanang isagawa ang concert ng banda sa Marso 29, 2020 sa Amoranto Stadium sa Quezon City.

Ilan sa mga pinasikat na kanta ng banda ay ang “Psychosocial” , “Duality” at maraming iba pa.