Patay ang isang terorista mula sa Abu Sayyaf group (ASG) matapos makasagupa ng mga sundalo sa Talipao, Sulu.

Ayon kay Western Mindanao Command Spokesperson Major Arvin Encinas, narekober ng Special 2nd Force Batallion ang katawan ng hindi pa nakikilalang terorista matapos ang 20 minutong sagupaan.

Iniulat din ni Encinas na naaresto nila ang isa pang miyembro ng ASG na nakilalang si Nursaina Jarad Sahi.

Nagtamo ng “shrapnel wounds” si Sani at agad dinala sa Camp Bautista Station Hospital para isailalim sa medical treatment.

Narekober naman ng mga sundalo ang M16 rifle na may M-203 grenade launcher at Galil rifle na may M203 grenade launcher.

Ayon kay Joint Task Force Sulu commander Maj. Gen. Corleto Vinluan, Jr., nagsasagawa lang sila ng tactical offensive nang maka-engkwentro ang nasa 30 mga bandidong Abu Sayyaf.