-- Advertisements --

Sinabi ni Manila City Rep. Joel chua na posibleng maipadala ng Kamara sa Senado anumang oras sa susunod na linggo ang Articles of Impeachment laban kay VP Sara Duterte matapos itong talakayin sa plenaryo.

Ayon kay Chua, inaasahang boboto ang House of Representatives sa lunes kaugnay ng impeachment matapos makakita ng probable cause ang House Committee on Justice.

Kailangan ng hindi bababa sa 106 boto o isang-katlo ng mga miyembro ng Kamara upang maiakyat ang kaso sa Senado para sa impeachment trial.

Iginiit din ng mambabatas na wala umanong dahilan para maglabas ng Temporary Restraining Order (tro) ang korte suprema dahil “Sobra-sobra” na umano ang ibinigay na due process sa kampo ng Bise Presidente sa pagdinig ng Komite.

Kasabay nito, sinabi ni Chua na malinaw sa konstitusyon na dapat “Forthwith” o agad mag-convene ang Senado bilang impeachment court kapag natanggap nito ang Articles of Impeachment.

Ito’y tugon sa naunang pahayag ni robin padilla na plano umano ng minority bloc na tutulan ang pagbuo ng impeachment court.

Binanggit din ni Chua na maaaring bumoto ang Mamara sa Martes o Miyerkules para sa magiging Prosecutors sa Impeachment case.

Kabilang sa mga posibleng pangala