Natuloy na rin ang makasaysayang paglipad sa kalawakan ng Artemis 1 makalipas ang ilang buwang pag-aantay at ilang mga aberya.
Ang misyon ng 98-meter-tall na Space Launch System (SLS) ay umikot sa moon bilang isang unscrewed spacecraft o walang anumang tao o astronauts na nakasakay.
Ito ang unang pagkakataon na ang SLS ang pinaka-most powerful na aabot sa Earth’s orbit, na mas malakas pa sa naunang Saturn V at iba pang mga moon landings.
Nitong hapon ng Miyerkules ay pumaimbulog ang rocket at sakay nito ang Orion spacecraft sa launchpad sa estado ng Florida.
Sinasabing pagdating sa kalawakan ay hihiwalay ang rocket doon sa Orion spaceraft na sa halip na mga tao ang sakay ay nandoon sa loob ang ilang mannequins na siyang kokolekta ng mga mahahalagang datos para makatulong sa live crew sa hinaharap.
Matapos ang pag-ikot ng spacecraft sa buwan ng mahigit sa 25 araw ay babalik ang capsule sa mundo at inaasahan ang splash down sa Pacific Ocean sa December 11.
Ang misyon ng Orion spacecraft ay upang paghandaan ang pagpapalidad muli sa taong 2024 na meron ng sakay na tao.
Target din ng misyon ay makapagtayo ang NASA ng permanenteng outpost sa moon.
Papangalanan naman na Artemis II na may sakay na mga astronauts ang sa susunod na misyon.
Susundan naman ito ng Artemis III sa huling bahagi ng dekada sakay na ang isang babae at person of color na unang lalapag sa lunar surface sa unang pagkakataon.