-- Advertisements --
IMG 20190805 124950

Mahaharap ang dating army reservist na si Vhon Martin Tanto sa parusang reclusion perpetua dahil sa pagbaril-patay sa isang siklista noong 2016.

Sa pasya ng hukom na si Presiding Judge Albert Tenorio ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 14, guilty sa kasong murder ang suspek na si Tanto dahil sa pagpatay nito sa siklistang si Mark Vincent Garalde.

Pinagbabayad din siya ng multang mahigit P1 million bilang actual damages.

Bukod pa rito ang P100,000 para sa civil indemnity, P100,000 para sa moral damages at P100,000 para sa exemplary damages.

Si Tanto ay may kasong murder dahil sa pagpatay kay Garalde sa isang road rage incident sa Quiapo, Maynila noong July 25, 2016.

Nakasakay noon si Tanto sa kanyang kotse nang makabangayan si Garalde na nakabisikleta.

Nagkainitan at nagsuntukan pa ang dalawa dahil sa away trapiko.

Binaril ng akusado ang biktima sa ulo, habang may isa pang natamaan ng ligaw na bala.

Inamin ni Tanto na nagdilim ang kanyang paningin at umiral ang init ng ulo noong nagtalo sila ni Garalde, kaya niya nabaril ang siklista