CENTRAL MINDANAO – Sasampahan ng kaso ang mga kandidato na mapapatunayan na nagbibigay ng campaign fund sa New People’s Army (NPA) sa probinsya ng Cotabato.
Ito ang binigyang diin ni 1002nd Brigade chief B/Gen. Potenciano Camba.
May kaugnayan ito sa intelligence report na nagpulong umano ang mga NPA sa plano nilang panghihingi ng campaign fund sa mga kandidato.
Babala ni Camba na makakasuhan ang sinumang susuporta o magbibigay ng pera sa NPA.
Kinumpirma rin ni Gen. Camba na noong nakalipas na halalan ay maraming mga politiko ang nagbigay ng pondo sa NPA.
Ito naman ay isiniwalat ng mga sumukong miyembro ng NPA na nagising sa mali nilang ipinaglalaban.
Dagdag ni Camba, malabo ng mangikil ang mga rebelde at mahina na ang kanilang pwersa.
Sa pinalakas na programa ng gobyerno ay nawalan na umano ng suporta lalong lalo na ang masa na ginagamit ng NPA sa kahalintulad na mga aktibidad.