-- Advertisements --

Itinalaga ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte si Philippine Army commanding general Lt. Gen. Andres Centeno bilang susunod na pinuno ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

CENTENO 1

Papalitan ni Centeno si AFP chief of staff Gen. Jose Faustino Jr. na magreretiro rin ngayong araw.

Sa abiso ng Public Affairs Office ng AFP, dakong alas-3:00 ng hapon nitong araw ng Biyernes gagawin ang change of command ceremony sa Camp Aguinaldo.

Si Centeno ay miyembro ng PMA Maringal Class of 1988 kung saan mistah niya o kakalse si incoming PNP chief Lt. Gen. Dionardo Carlos.

Sa Pebrero 2023 pa magreretiro si Centeno na pinakamatagal na maninilbihan sa mga itinalagang heneral ng Pangulong Duterte bilang AFP chief.