-- Advertisements --

sibugay

Arestado ang isang army officer at isang enlisted personnel sa isinagawang joint AFP, PNP operations sa Purok Gemelina, Sanito, Ipil, Zamboanga Sibugay province kaninang madaling araw.

Kinilala ni Western Mindanao Command (Wesmincom) commander Lt.Gen. Corleto Vinluan Jr., ang mga naarestong sundalo na sina Captain Christopher Galvez Eslava, 41, residente ng Cabilao, Makilala, North Cotabato at Corporal Ryan Laure Larot, 35, residente ng Barangay Banali, Pagadian City.

Nahuli ang dalawang sundalo dahil sa gun smuggling activities at kasalukuyang nakakulong sa Ipil Municipal Police Station.

sibugay2


Nakumpiska sa posisyon ng dalawang sundalo ang isang caliber 5.56 M4 carbine, 1- 5.56mm M4; make colt carbine; isang cal. 5.56M4 TRIARC System, dalawang 9mm pistol, Glock 19; isang rifle grenade; tatlong 40mm grenade; anim na M16 magazines, tatlong cal. .40 magazines at nasa P1.2 million boodle money.

Siniguro naman ni Vinluan ang due proces para sa dalawang nahuling sundalo at tiniyak na hindi ito-tolerate ang iligal na aktibidad ng kanilang mga sundalo.

Giit ni Vinluan, magsasagawa rin ng sariling imbestigasyon ang AFP hinggil sa insidente at sasampahan ng kaukulang kaso sa ilalim ng rule of law.

Kapwa naka-assign sa Regional Community Defense Group-9, Army Reserve Command (ARESCOM) ang dalawa.

Samantala, ayon kay PNP OIC Lt.Gen. Guillermo Eleazar, makikipag-ugnayan din sila sa AFP para tulungan silang ma-validate ang identity ng dalawang sundalo na nasa kustodiya ngayon ng PNP.

“The PNP is coordinating with the AFP for verification of these personnel. This accomplishment is also a clear message to all, civilian or law enforcers that there will be no safe haven for their illegal activities,” pahayag pa ni Eleazar.