Nadiskubre ng militar ang hinihinalaang imbakan ng mga armas ng teroristang Abu Sayyaf sa Barangay Latih,Patikul,Sulu alas-6:45 ng umaga ng Huwebes.

Resulta ito sa isinagawang focused military operations ng mga tropa ng Alpha Company ng 21st Infantry Batallion sa pamumuno ni Lt. Padere.

Nakuha sa isang abandonadong bahay ang isang unit ng NVG monocular, 1 hand guard ng M203 GL at mga personal na kagamitan.

Tiniyak naman ni Wesmincom Commander Lt Gen. Arnel Dela Vega na magpapatuloy ang kanilang operasyon laban sa teroristang grupo kahit nasa election mode na ang militar.

“The Western Mindanao Command sustains its commitment to ensure the safety and security of the people of Western and Central Mindanao,” pahayag ni Lieutenant General Dela Vega.