Reading Time: 1 minute
Ariana Grande
Ariana/ IG post

Nagsampa ng kaso si Ariana Grande laban sa sikat na clothing brand at beauty brand dahil sa paggamit ng larawan nito ng walang paalam.

Ayon sa singer na ginamit ng kumpanyang Forever 21 ang kaniyang larawan ng walang paalam.

Hindi kasi natuloy ang kontrata ng singer sa Forever 21 matapos na magkaroon ng aberya.

Umalma rin ang singer sa paggamit ng beauty brand na Riley Rose ng larawan na kahalintulad niya.

Itinuturing na isang panlilinlang ang ginawa ng “look-alike” model na ginaya ang hairstyl at damit na suot nito sa music video niyang “7 Rings”.

Dahil dito ay humingi siya ng $10 million bilang damages sa nasabing usapin.

Hindi naman na nagbigay ng reaksyon ang kumpanya.