Reading Time: 1 minute
Argentina Basketball
Argentina Basketball/ FIBA image

Pasok na sa semifinals ng FIBA World Cup ang Argentina matapos ilampaso ang Serbia 97-87.

Ito ang unang pagkakataon ng Argentina na makapasok sa semifinals na ang huli ay noong 13 taon na ang nakakalipas.

Bumida sa panalo si Facundo Campazzo na nagtala ng 18 points at 12 assists.

Itinuturing na favorite team ang Agentina na manalo sa nasabing torneo.

Susunod na makakaharap ng Argentina sa sinumang manalo sa pagitan ng USA at France.