NAGA CITY – Ipinagmalaki ngayon ng Archdiocese of Caceres ang pagkakahalal sa Pilipinong pari bilang bagong lider ng Dominican mission sa buong mundo.
Sa mensaheng ipinaabot ni Archbishop Rolando Tria Tirona sa Bombo Radyo Naga, sinabi nitong isang karangalan sa Philippine Domenican Friaes at sa simbahang katoliko sa bansa ang pagkakahalal kay Fr. Gerard Francisco Timoner III bilang master of the Order of Preachers o mas kilala bilang Dominican Order at kauna-unahang Asyanong hahawak sa naturang posisyon.
Ayon kay Titona, ang pagkawak ni Timoner sa naturang mataas na posisyon ay pagpapakita lamang na kinikilala ng Domenicans kan leadership qaulities ng mga Pinoy.
Isang karangalan din aniya ito para sa Bicol region kung saan tubong Daet, Camarines Norte ang Timoner.
Kaugnay nito, hinimok ni Tirona ang lahat na suportahan at ipagdasal ang naturang Bikolanong pari para sa hahawakang malaking responsabilidad.