-- Advertisements --

Umaabot na sa 25 probinsya sa bansa ang apektado ng African Swine Fever (ASF).

Sinabi ni Agriculture Sec. William Dar, sadyang mahirap tuldukan ang pagkalat ng sakit sa mga baboy pero lahat ng paraan at koordinasyon sa mga local government units (LGUs) ay kanila nang ginagawa para hindi maikalat ang sakit sa ibang ASF-free areas.

Ayon kay Sec. Dar, nasa 350,000 mga baboy na ang dine-populate o pinatay para hindi na maikalat pa ang sakit sa iba pang mga baboy.

Inihayag pa ni Sec. DAR na tuloy-tuloy ang pamamahagi ng ahensya ng assistance sa mga magbababoy at sa katunayan ay nakapag labas na ang DA ng P700 million bilang tulong sa hog industry.

Maliban dito, nagkakaloob din umano ang ahensya ng iba’t ibang livelihood opportunities sa mga farm owners.