Pormal ng inilabas ngayon ng Malacañang ang isang Administrative Order (AO) mula kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa pansamantalang suspensyon ng paghahain ng dokumento, pagbabayad ng buwis at iba pang bayarin, gayundin ang kanselasyon sa lahat ng mga proceedings sa mga tanggapan ng gobyerno at pagrepaso sa schedule ng release ng mga benepisyo.
Batay sa AO 30, inataasan ni Pangulong Duterte ang lahat ng department heads, agencies, offices at lahat ng government instrumentalities, gayundin ang mga government-owned and controlled corporations (GOCCs), government financial institutions (GFIs), state universities and colleges (SUCs) at local government units (LGUs) na bumuo ng guidelines para sa nasabing hakbang habang umiiral ang enhanced community quarantine (ECQ) dahil sa CODID-19 pandemic.
Kabilang dito ang interruption sa filing of pleadings, appearances, motions, notices at iba pang dokumento, gayundin ang pagbababa ng hatol, resolutions at kautusan hanggang umiiral ang community quarantine.
Kasama rin sa kautusan ang suspensyon sa mga deadlines sa payment ng monetary obligations at pag-adjust sa timeline ng release ng mga benepisyo at maisagawa ito sa panahon ng community quarantine.
Nakasaad naman sa AO na ang nasabing direktiba ay epektibo lamang sa mga lugar na isinailaim sa community quarantine alinsunod sa inilabas na guidelines ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) o ng Office of the President (OP).