Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ipagpapatuloy ng Pilipinas ang pagbabantay sa maritime zones ng bansa at gagawin ang nararapat na hakbang na naayon sa international laws.
Sa talumpati ng Pangulo sa ika-127th anniversary ng Philippine Navy na ginanap sa Naval Operating Base sa Subic,Zambales binigyang-diin ng Punong Ehekutibo magpapatuloy ang Pilipinas sa pagtupad sa maritime rights nito sa pinag-aagawang teritoryo sa bahagi ng West Philippine Sea.
Muling binigyang-diin din ng Presidente na wala tayong isusuko at wala tayong papabayaan na teritoryo.
Ipinunto din ng Pangulo na hindi ito-tolerate ng Pilipinas ang anumang kilos ng kawalang-galang sa soberanya ng bansa at sa mga karapatan na may kaugnayan sa pandaigdigang batas.
Siniguro ng Pangulo na sa ilalim ng kaniyang administrasyon ipagpapatuloy nito ang pag suporta sa mga programa na layong gawing modernisadong puwersa ang Sandatahang lakas ng Pilipinas.