-- Advertisements --

Naghahanda na ang Antipolo Cathedral para sa pormal na paggawad sa kanila bilang unang International Shrine ng bansa.

Isasagawa ito sa darating Marso 25, 2023 matapos na kumpirmahin sa kanila ng Holy See.

Sa nasabing petsa ay kasabay nito ang Solemnity of the Annunciation of the Lord at ang anibersaryo din ng pag-alis ng sacred image ng Our Lady of Peace and Good Voyage mula sa Acapulco, Mexico patungo sa Pilipinas.

Ang nasabing imahe ni Mama Mary ay inilagay na sa cathedral ay mula noon ay yun na ang dinarayo ng mga devotees sa kasaysayan ng Antipolo.

Noong Hunyo 2022 kasi ay inaprubahan ng Vatican ang petition na gawing pang-11 na international Shrine ang Antipolo church.

Ito na ang pangatlong international Shrine sa Asya na susunod sa St. Thomas Church Malayattoor sa India, at sa Haemi Martyrdom Holy Ground and Seoul Pilgrimage Routes sa South Korea.