-- Advertisements --
Tinanghal bilang 2020 NBA Most Valuable Player si Milwaukee Bucks star Giannis Antetokounmpo.
Ito na ang pangalawang magkasunod na nakuha ng Bucks star ng nasabing award.
Dahil dito ay siya na ang pang-limang NBA player na nakakuha ng MVP award sa magkasunod na taon.
Kinabibilangan ito nina Stephen Curry, LeBron James, Steve Nash at Tim Duncan.
Siya rin ang manlalaro sa kasaysayang ng liga na pinangalanang MVP at Defensive Player of the Year na ito ay unang nakuha nina Michael Jordan at Hakeem Olajuwon.