-- Advertisements --

Mas maraming Pilipino ang nakikitang bumuti ang kanilang kalidad ng buhay nitong Hunyo, ayon sa bagong survey ng Social Weather Survey o SWS.

Batay sa survey, 33% ng mga adult Filipino ang nagsabing mas gumanda ang kanilang buhay kumpara noong nakaraang taon.
Samantala, 33% din ang nagsabing mas lumala ang kanilang buhay, habang 34% ang nagsabing walang pagbabago.
Dahil dito, nakapagtala ang SWS ng net gainers score na zero noong Hunyo. Mas mataas ito kumpara sa -26 na score noong Marso.

Isinagawa ang survey mula Hulyo 20 hanggang 29 sa 1,200 adult Filipino sa buong bansa.