-- Advertisements --

Tiniyak ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. na hindi tatalima ang Pilipinas sa annual fishing ban ng China sa West Philippine Sea (WPS).

Ito ang sinabi ni Esperon kaugnay sa fishing moratorium na ipinatutupad ng Beijing mula pa noong 1999, kung saan simula Mayo 1 hanggang Agosto 16 ay hindi maaaring pumalaot sa kanilang mga inaangking bahagi ng dagat.

Saklaw umano nito ang buong South China Sea, kung saan ang pinagbabasehan higanteng bansa ay ang “nine dash line.”

Para kay Esperon, hindi sakop nito ang mga barkong pangisda ng mga Filipino dahil hindi naman tayo nagpapasailalim sa naturang bansa at may sarili tayong teritoryo.

Matatandaang hinimok ng gobyerno ang mga mangingisdang Pinoy na ipagpatuloy ang paglalayag sa nasabing parte ng karagatan, para mapakinabangan ang yamang dagat na matatagpuan sa nasabing lugar.