Iniluwal na ng TV host-actress na si Anne Curtis ang panganay na anak nila ng mister na si Erwann Heussaff.

Isang baby girl ang isinilang ni Anne sa isang ospital sa Australia.

Bumuhos naman kaagad ang mga pagbati kina Anne at Erwan mula sa kanilang pamilya, kaibigan at mga fans.

Sa Instagram post ng Viva Artists Agency, ni-repost nito ang nude photo ni Anne na kuha sa kanyang maternity shoot ilang linggo na ang nakalilipas.

Noong Nobyembre 2019 nang ianunsyo ni Anne ang kanyang pagdadalantao.

-- Advertisement --

Disyembre nang nag-maternity leave si Anne upang bumiyahe patungong Australia.