-- Advertisements --

Naglabas na ng warrant of arrest ang Angeles City Regional Trial Court Branch 118 laban kay dating presidential spokesperson Atty. Harry Roque at kontrobersyal na Chinese businessman na si Cassandra Lie Ong at siyam na iba pang indibidwal.

Ito ay may kaugnayan sa kasong qualified human trafficking na inihain laban sa kanila ng gobyerno.

Una nang inakusahan ang mga nabanggit na personalidad sa umano’y ilegal na operasyon ng sinalakay na Lucky South 99 sa Porac, Pampanga sa pagtutulungan ng PNP at PAOCC.

Ang kasong ito ay walang inirekomendang pyansa para sa pansamantalang kalayaan ng dalawa sa oras na madakip ito.

Matapos ang inilabas na arrest warrant ay wala pang opisyal na pahayag ang kampo ni Roque at Ong.

Batay sa huling impormasyon hinggil sa kinalalagyan ni Roque, nasa The Hague,Netherlands umano ito kung saan nag apply siya ng political asylum habang si Ong ay kasalukuyang naka detain sa Pilipinas.

Una nang sinabi ni Roque na handa siyang harapin ang mga kaso niya sa bansa sa sandaling ilabas ang arrest warrant sa kanya.