-- Advertisements --
image 377

Idineklara na ng Department of Science and Technology (DOST) ang pormal na pagsisimula ng Amihan Season o pagpasok ng Northeast Monsoon.
Matatandaang una nang na-terminate ang Habagat Season o Southwest Monsoon noong nakaraang linggo lamang, dahil sa paghina ng hanging nagmumula sa ibabang bahagi ng West Philippine Sea.
Ayon pa sa ahensya, ang pagpasok ng Amihan ay magiging hudyat na rin ng unti-unting paglamig ng hangin.
Ang Amihan kasi ay nanggagaling sa China at Siberia, kung saan naihahatid nito ang mababang temperatura, kasabay ng pagkalusaw ng niyebe sa naturang mga lugar.
Mas mababa naman ang bilang ng bagyo sa ganitong panahon, ngunit kung may mabuo man ay nagiging mas malakas iyon kaysa sa karaniwang mga buwan.
Inaasahang tatagal ang malamig na hangin hanggang sa unang bahagi ng taong 2024.