Mariing kinondena ng Peter Paul Medical Center of Candelaria Inc. (PPMCCI) ang pamamaril sa isang ambulance driver sa Candelaria, Quezon matapos paghinalang nagsasakay siya ng mga pasyenteng positibo ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Mabilis na hustisya naman ang hiling ng pamunuan ng pagamutan at gusto nilang agad mapanagot ang mga suspek.
Ang nasabing ambulance driver ay breadwinner daw sa pamilya na isa rin sa mga frontliner na nagsisilbi pa rin sa gitna ng pangambang dulot ng virus.
Kasabay nito, umapela sa publiko na unawain at magpakita ng malasakit sa mga health workers.
Una rito, ayon sa PPMCCI, naghahapunan dakong alas-8:45 ang biktima nang komprontahin ng suspek at igiit na hindi dapat papasukin ng subdibisyon ang ambulansiya dahil nagsasakay ito ng mga covid patient.
Pero ipinaliwanag umano ng biktima na mga nagtatrabaho lang sa ospital ang kanyang inihahatid at maayos na nililinis ang sasakyan para hindi kapitan ng virus.
“Our ambulance driver is the breadwinner of his family, who in these trying times where we are at war with COVID-19, chose to bravely perform his duty beyond what is required for the sake of the community and his fellow front liners. Naiparating na umano nila sa Candelaria Police Station ang insidente. At the moment, we respectfully demand that justice be served and given. He is your frontliner as well. PPMCCI strongly condemns discrimination and harassment of all health workers. Justice shall prevail and shall hold those accountable to the full extent of law,” ang pagkundena ng PPMCCI.
Kamakailan lang ay isang nurse sa Tacurong City, Sultan Kudarat ang napinsala ang mata nang kuyugin siya ng nasa limang lalaki at sabuyan ng bleach dahil sa hinalang infected ito ng naturang virus.