KALIBO, Aklan—Nagsimula na ang regular flights sa gitna ng Kalibo International Airport at dalawang lungsod sa Russia, araw ng Sabado, Oktubre 25, 2025.
Ayon kay His Excellency Marat Ignatieyvitch Pablov, Ambassador of Russia to the Republic of the Philippines, ang pagbubukas ng bagong ruta ay nagpapakita ng paglakas ng ugnayan ng Pilipinas at Russia sa pamamagitan ng pagdadala nito ng mga Russian tourist papunta sa isla ng Boracay.
Ang ruta ay Kalibo–Irkutsk at Kalibo–Khabarovsk vice versa na lilipad bawat araw ng Martes at Sabado sa ilalim ng operasyon ng Iraero Airlines.
Dagdag pa ng Ambassador official, nagpapakita aniya ito ng confirmation of freindship sa gitna ng Russia at Pilipinas kung saan, malaki ang kanilang tiwala sa lalawigan ng Aklan para sa kanilang mga citizens.
Inaasahan din na maka-attract ito ng mas maraming turista sa pamosong Boracay at iba pang destinasyon sa rehiyon.
Una rito, lumapag sa Kalibo International Airport ang inaugural flight ng Iraero Airlines mula sa Irkutsk, Russia, araw ng Sabado, sakay ang mga Russian Tourist papuntang Boracay.
















