CAUAYAN CITY – Naiyak sa tuwa ang pamilya ni Cadet 1st Class Gemalyn Deocares Sugui, matapos malaman sa pamamagitan ng Bombo Radyo Cauayan na siya ang number one 1 sa PMA ‘Masidlawin’ Class of 2020.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan inihayag ni Dating Punong Barangay George Sugui ng San Antonio Minit, Echague, Isabela na masayang masaya sila ng kanyang misis na si Ginang Selma Sugui na isang guro at ang kanilang buong pamilya sa pagtatapos ng kanyang anak na si Cadet 1st Class Gemalyn Deocares Sugui dahil hindi lamang basta nagtapos kundi siya ang number 1 sa PMA ‘Masidlawin’ Class of 2020.

Inihayag pa ni Ginoong Sugui na matagal na nilang inabangan ang pagtatapos ng kanyang anak dahil lahat ng mga naunang aktibidad sa PMA ay kanilang dinaluhan.

Noong wala pa anya ang lockdown ay naghahanda na sila sa pagdalo sa graduation ng kanyang anak ngunit dahil sa nasa krisis sa COVID 19 ay inabangan na lang sa social media ang Virtual graduation ng PMA ‘Masidlawin’ Class of 2020.

Sinabi ni Ginoong Sugui na ang kanyang anak ay nagtapos na Validictorian sa San Antonio Elementary School, naging validictorian din siya sa noong nagtapos ng sekondarya sa St. Joseph The Worker at nasa Dean’s List sa University of the Phils. Baguio City.

Sa ngayoin anya ay wala pa silang plano matapos ang graduation ng kanilang anak dahil kanilang napag-alaman na matapos ang kanilang pagtatapos ay magrereport ang anak sa kanyang unit para kumuha ng instruction.